Glimpse of a Flower's Quickly Fading - Holly Cynth - Official Website

I'm a nurse by profession BUT A WRITER BY HEART. Everyone wants to be writer but not everyone can come up with a brilliant masterpiece. I can only write about personal stuffs, my point of view!

Blog

Hay Buhay!

Posted on September 27, 2011 at 3:30 AM

"Nakakamiss din pala yung dati kong buhay." Yung dati kong buhay? Simple! Napakasimple hindi komplikado. Tahimik, masaya kahit walang lovelife, puro mga kaibigan lang ang inaasikaso, friendster noon facebook at twitter ngayon, youtube, chat (yahoo, msn, lahat na ng klaseng chat napasukan ko na.) Ako yung tipong hindi nagseseryoso sa buhay, walang kaplano plano. Mga magulang ko ang nagdedesisyon para sa'kin pero ayos lamang iyon sakin noon kasi talaga namang wala akong sariling desisyon at nasanay na sa ganoon. Ako yung tipong walang sineseryosong lalaki dahil takot ako masaktan at ayoko yung pakiramdam ng umiiyak, yung pakiramdam ng mga kaibigan kong nakita ko nang lumuha dahil sa PESTENG PAG-IBIG na yan! Bago pa man ako tuluyang mahulog sa isang lalaki, iniiwasan ko na o kaya naman ay basta basta nalang iniiwan.

Ngunit hindi ko naisip na ginagawa ko na rin pala ang bagay na ginagawa nila sa mga kaibigan ko. Ginagawa ko na rin pala ang bagay na kinakatakutan kong gawin ng sinuman sa akin.

Hanggang sa isang araw, nakilala ko 'tong kapwa kong mapaglaro. Playboy siya kung turingan, ngunit para sa akin mabait at malambing siya. Ganoon lang siguro kapag hindi mo pa lubusang kilala ang isang tao. First impressions never last ika nga. Naging matalik kong siyang kaibigan hanggang sa tuluyan na siyang nanligaw at yun na nga TINAMAAN AKO NI KUPIDO! Hindi ba dapat umiwas na 'ko bago pa ko tuluyang mahulog? Pero sa pagkakataong ito handa na 'kong sumugal kasi nung umpisa palang naman kitang kita na ang effort niya. Uuwi siya sa birthday ko susurpresahin niya ako ng bouquet of my favorite color of roses. First valentine namin, nagpadala ng love letter at kasunod nun bouquet of my favorite color of roses. San ka pa? Todo effort men!

Isang araw nagbago ang lahat. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko.

Ngayon, ibang iba na. Ang laki ng pagkakaiba noon at sa ngayon. Walang ganitong kalalang problema. Nagkakaproblema man, nadadaan agad sa dasal pero ngayon, wala. Sobrang hirap. Para bang hindi na 'ko pinapakinggan sa aking mga dasal. Hindi ba pwedeng ibalik nalang yung dati? Dati kayang kaya kong lusotan at lampasan lahat ng pagsubok, ngunit bakit ngayon para bang nanghina ako. Hindi ba dapat lalo akong tumibay sa kabila ng lahat ng pagsubok na napagdaanan ko na? Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Kung alam ko lang na darating ako sa puntong ito, yung mawawalan na ko ng lakas at iiwan ng mga taong pinagkatiwalaan ko, sana noon palang sinanay ko nang mag-isa, hindi na sana ako nagpadala at nasanay na kasama siya, o sila. Pinipilit kong maging matatag pero sa twing pinipilit ko, lalo akong nanghihina. Hindi ko na yata ito kakayanin pa. Wala na bang ibang paraan para makaalis sa buhay na ito?

Minsan na nga lang ako magmahal ng tunay, ganito pa kasakit. Shit naman oh! Ganoon pala ang pakiramdam ng pinaglalaruan, ganoon pala ang pakiramdam ng mga iniwan ko noon at pakiramdam ng mga kaibigan ko. Siguro nga ito na ang BAD KARMA ko!

Categories: Whatever My Heart Says

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments

Upcoming Events

No upcoming events

Featured Products

No featured products

Featured Etsy Items

No featured products.

Recent Prayer Requests

  • family restoration

    I pray that me, my wife, and daughter will be reunited for the holidays and that there will be a restoration in our relationships. We also suffer in poverty so I pray God will a...
  • Unfulfilled

    Please Pray my soulmate has already been prepared for me and I have already been prepared for my soulmate.Pray GOD unites me and my soulmate together real soon.Never been on a d...

Recent Forum Posts

No recent posts